6 Sep 2009
KAY HIRAP MAGSULAT
Natuwa lang po ako habang binabasa ang aking sanaysay na sinulat noong ika-24 ng Hunyo, 2008. Ito po ‘yon…
Kilala ko ang sarili. Alam kong kulang na kulang ang aking kakayahang magsulat. Parang sasabog ang aking utak sa kakaisip kung ano ang isusulat. Tila mga dahong tuyo ang mga paksa na isinasaburayray ng pilyong hangin. Wala akong mahuli ni isa sa mga ito. Tila mga laog na pusa ang mga salita na kumakaripas kapag nilalapitan ng aking mapanugis na isipan. Wala akong mabuong pangungusap. Ngunit sa gabing ito, kailangan kong tapusin ang isang sanaysay. Isa itong parusa.
Kinuha ko ang aking kuwardernong nangangamoy pang National Bookstore. Inilatag ito sa mesa. Binuklat. Inabot ko ang lapis at inipit sa pagitan ng aking ilong at nakangusong labi. Ininut-inot ko ang aking sarili. Huminga ako nang malalim… isa… dalawa… talto… apat…. at paulit-ulit. Sampung minuto na ang lumipas; wala pa akong naisusulat.
Kay hirap magsulat.
Sinubukan kong isa-isahin sa aking isipan ang aking mga nakahiligan sa pag-asang makasagi ng paksang maging gatilyo sa aking pagkikipagdigma sa larangan ng pagsusulat. Ngunit bigo ako. Dahan-dahang nang inihahampas ng aking kamay ang lapis sa mesa. At tanging ang kumpa nito ang naririnig. Sinasakop ng tunog nito ang mumunting pitak ng aking utak. Mala-kwago na akong nakatitig sa unang pahina ng aking kwadernong wala pa ring nailalapat na kahit man lamang isang malabuhanging tuldok. Dalawampung minuto na ang lumipas; wala pa akong naisusulat.
Kay hirap magsulat.
Tatlumpong minuto na ang nakalipas. Wala ni isang karanasan ang humulagpos sa kaban ng aking alaala. Tulog na tulog ang aking isipan. Dumaan man ang panaginip, wala itong kamalay-malay sapagkat malalim ang pagkahimbing nito. Lumulutang ang diwa ko sa karagatan ng kadiliman. Hindi puwede ito, sabi ko sa sarili. Tumayo ako at iniunat ang aking katawan. Tinungo ko ang lababo at naghilamos. Tiningnan ang mukha sa salamin. Nakita ko na nagising ang aking kamalayan. Dali-dali akong bumalik sa upuan, dala-dala ang naiibang sigla sa utak. Ramdam ko sa aking kaloob-looban ang mauyad na pag-usbong ng binhing nagmumula sa puno ng makata.
Di-nagtagal, sinubok kong ipanulat ang aking lapis. Aba! Napawi ang aking pagkainis sapagkat sa wakas mayroon na akong naisusulat. Tila mga paruparong sumasalipadpad ang mga salita mula sa kalatagan ng aking kuwaderno. Isa… dalawa… tatlo… apat… at maraming pangungusap na ang aking naisusulat.
Wala ngang limang minuto, nabuo ko ang isang sanaysay, “Kay Hirap Magsulat.”
- Jun-G Bargayo, SJ -


Wow… akala ko bakit nahihirapang magsulat.
Tingnan nyu po naman ang mga words na ginagamit.
isinasaburayray
laog
kumakaripas
Ininut-inot
kumpa
mauyad
sumasalipadpad
Tingnan mo itong phrase na ito. Anak ng kagang, ang galing!
hahaha!
Kay hirap magsulat kung ganyan ba naman kalalim ang minimithing adhikain.
Mahirap ngang magsulat.
Bisita lang bai!
Sagot sa iniwan mong mensahe. Dahil sa totoo hindi ko alam kung papaano sasagutin ang mga iniiwang comments doon sa bahay kubo.
darbs
September 6th, 2009 at 5:09 ampermalink
By the way, ung list of words nanakawin ko un baka pueding gamitin sa darating na araw. nagpapalam lang.
MORE! MORE!
Salamat sa iyong kuro kuro.
Kasabot kag bisaya Jun-G?
jun-g: aus lang po. pwedeng pwedeng nakawin… pwedeng pwedeng gamitin… hehehe
hahaha… salamat sa pagbisita bai. yup. kasabot ko ug bisaya. bisdak ni.
darbs
September 6th, 2009 at 5:13 ampermalink
Agree with your contact darbs, kung ganito kalalalim ang mga salitang ginamit mo, mahirap talaga magsulat…pero with what you did, you really made it hard for us to even try to write hehehe…as what I have commented the first time you posted this, “talagang naiiba ka!”
Anyway, pagpatuloy mo ang iyong pagsulat mula sa puso. Miss ko na ang mga poetic form of writing mo. Kailangan ng masundan ang ika-14 ng Pebrero.
jun-g: poetic writing?! powet ba ako?… ampangit ata… hahaha… salamat po sa pagbabasa…
renee
September 6th, 2009 at 5:49 ampermalink
bakit may po???
jun-g: kailangan po marunong tayong gumalang… hahaha…
renee
September 6th, 2009 at 2:56 pmpermalink
ganun? sige na nga po.
jun-g: ganun na nga po.
renee
September 6th, 2009 at 10:53 pmpermalink
gudmorning po!
writer’s block to the making of an essay. ang galing.
ako puro writer’s block lang. hehe.
nabasa ko un national bookstore! waah lab it! ^_^
jun-g: kung writer, writer’s block ang tawag… eh kung hindi? block lang… hahaha… sisikat ang national bookstore nito, dapat sisingil na ako ng ad fee… hehe…
tsenn`elas
September 6th, 2009 at 11:44 pmpermalink
hehehehehe.
pareho tayo ng notebook…nangangamoy national book store…
naubusan ako ng notebook dito sa isla…
kaya noong nasa cebu ako, bumili ako ng bagong best buy…galing national bookstore…
jun-g: sabi ko na nga ba… sisikat talaga ang national bookstore… hehehe…
Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
September 6th, 2009 at 11:57 pmpermalink
nice bro! hindi mo rin inakala na ang ipapasa mo ay yung isinusulat mo na rin mula nung ikaw ay nagsimulang umupo sa iyong lamesa.
naalala ko lang ang aking proyektong ipinasa sa isang asignatura noong nakalipas ng dalawang taon. halos magkatulad lamang tayo ng ipinasa.
galing2x.
jun-g: hindi ko rin yun inakala bro… hehehe… siguro mataas ang grade mo nung ipinasa mong asignatura… hehehe…
Michael Jae Paguyo
September 7th, 2009 at 12:04 ampermalink
hindi nman bro. hindi ko kc maaus na na-i-defend bro ung kwentong gawa ko kaya sakto lng yung nakuha kong grado pra dun.
mataas ang nakuha mong grado noh??? ahaha.
jun-g: sakto lang din. hehehe
Michael Jae Paguyo
September 7th, 2009 at 1:11 ampermalink
ah edi akin po e block lang. ahehe
jun-g: yung sayo writer’s block talaga… hehehe…
tsenn`elas
September 7th, 2009 at 1:24 ampermalink
i share the same struggles with you brother… Hay! kay hirap nga talagang magsulat! but i admire you for overcoming these hardships… Galing mo bro Jun-G!
jun-g: makakayanan mo rin yan brother… ikaw pa?!
Bryan Arevalo
September 8th, 2009 at 8:10 ampermalink
nagustuhan ko po itong entry niyo Bro. Jun. (= gusto ko din po kasi magsulat ng aking mga saloobin sa mga bagaybagay parati. ahehe. pangarap ko din po makagawa ng libro, yung simple lang tungkol sa buhay-buhay. maraming salamat po. tc Godbless po!
jun-g: maraming salamat po. writer in the making ka pala. aus yan… excited ako para sa’yo. pag maylibro ka na invite mo ako sa book launching…
bam romana
September 11th, 2009 at 7:45 ampermalink
i really like this, jun-g. nakakatuwa. really no such thing as writer’s block.
Luz
September 19th, 2009 at 1:27 pmpermalink
haha “kay hirap magsulat” totoo yan! pero minsan ung pang hindi inaasahan na mabubuo natin yun pa ang nagkakaroon ng katuturan..
ang ganda naman ng mga salitang ginamit mo sa entry na to para lang ako nagbabasa ng isang akda ng batikang manunulat..
“Tila mga dahong tuyo ang mga paksa na isinasaburayray ng pilyong hangin. Wala akong mahuli ni isa sa mga ito. Tila mga laog na pusa ang mga salita na kumakaripas kapag nilalapitan ng aking mapanugis na isipan.”
astig bro jun-g! hehe
jun-g: salamat bon! ako rin hindi makapaniwala na sinulat ko pala ito… hehehe…
bonistation
September 21st, 2009 at 2:58 pmpermalink