Next Post Previous Post

20 Sep 2009

NEGOSYONG PANDESAL

Posted by junjeesj

Habang kumakain po ako ng pandesal kahapon, ang kuwentong ito ang aking naalala. Sinulat ko po ito noong ika-10 ng Enero…

*****

Pandesal - picture taken from the internetNaglalakad ako palabas ng aming subdivision, aliw na aliw akong pinagmamasdan ang mga pamaskong palamuti. Marami na rin ang nagbago sa paligid. Dalawang taon din bago ako nakauwi matapos pumasok sa Kapisanan ni Hesus.

Sa kanto, may isang Honda CR-V na huminto sa aking tabi. Tinanong ako ng driver, “Saan ka pupunta?” Sumagot naman ako kahit ako ay may pagtataka. Sabi ko, “Sa downtown po.”

“Sakay na,” niyaya ako ng driver.

Hindi pamilyar ang mukha ng driver na nagyayaya sa aking sumakay. Kaya, “Hindi na po,” sagot ko naman agad.

Nagpumilit ang driver at pumayag na rin akong sumakay.

“Kala mo kidnapper ako no?” sabay tawa niyang sinabi ito sa akin.

“Oo nga po,” daglian sagot ko.

Hindi pa natapos ang aking sagot ay agad siyang nagpakilala, “Ako nga pala si Kuya Cesar mo. Hindi mo ako natatandaan kasi huli mo akong nakita noong pito ka pa. Namumukhaan kita kasi ipinakita sa akin ng Papa mo ang retrato mo na nakasutana ka. Biruin mo, matanda na pala ako. Ilang taon ka na nga?”

“Tatlumpung taon na po,” sagot ko. Iniisip ko pa rin kung saan at kelan ko huling nakita ang mamang ito.

Patuloy siyang nagkuwento, “Hindi mo na talaga ako natatandaan. Okey lang yan.”

“Saan po kayo pupunta?” tanong ko.

“Sa mall. Meron kasi akong pwesto dun,” sagot naman niya. “Hindi mo na nga ako natatandaan ano?” dagdag niya sabay ngiti.

Umiling lang ako. Bahagyang napangiti at medyo nahihiya. Pero sabi ko sa isip ko, “Ang yaman yaman naman niya.”

“Natatandaan mo pa ba noong bata ka pa, may mamang nagbebenta ng pandesal sa inyo  tuwing madaling araw. Ako yun,” paliwanag niya.

Biglang lumiwanag ang aking isipan, “Ah, kayo po yung nagbibisekleta. Naalala ko na po. Ikaw lagi ang halimbawa ni Papa sa akin. Bakit hindi ko raw kayo tularan na gumigising ng maaga.”

Ngumiti lang si Kuya Cesar.

Sandaling katahimikan.

“Biruin mo, nagawa ko pala yun. Alas-tres ng umaga akong gumigising. Nagbibisekleta na papuntang bayan para bumili ng mga pandesal na ilalako ko sa lugar natin. Araw-araw kong ginagawa yun… simula noong nag-high school ako hangang sa naging guro ako pagkatapos ng college,” kuwento ni Kuya Cesar.

“Oo nga ho. Dati bisekleta lang ang sasakyan ninyo, ngayon Honda CR-V na,” pabilib na sagot ko.

“Ah ito. Hindi ko nga akalain na makakabili ako nito. Limang taon lang ako sa pagtuturo. Nang nakaipon ako ng pampuhunan, nagnegosyo ako agad. Ganun ulit. Pandesal ulit. Negosyong pandesal lang ang alam ko eh. Pero hindi na ako nagbibisekleta noon. Nakabili na ako ng motorsiklo. Kaya din dumami ang aking mga suki at lumaki na rin ang aking kita. Hanggang sa hindi ko na kayang mag-isang maghatid ng mga pandesal, kaya umupa na ako ng makakatulong sa akin. Nagsimula sa isang motorsiklo, hindi ko na namalayan, meron na pala akong sampung motorsiklo na umiikot tuwing alas-kwatro ng umaga. Naging labinlima. Naging dalawampu’t lima,” manghang manghang nakukwento si Kuya Cesar.

Wala akong masabi kundi, “Wow!”

Ngumiti lang ulit si Kuya Cesar.

“Saan ka nga ulit pupunta?” tanong niya sa akin.

Sabi ko, “Sa downtown po, sa may simbahan.”

“Magsisimba ka?” dagdag na tanong niya.

“Opo. Kayo po? Nakapagsimba na po ba kayo?” sagot ko ay tanong din.

“Oo nakasanayan ko nang magsimba ng Alas-sais. Noon kasi, huli kong dinadalhan ng pandesal ang simbahan sa lugar natin. Kaya, nakakapagsimba rin ako. Araw-araw din yun. Absent lang ako kung tinatamad na,” masayang sagot niya.

“Wala pa po ba kayong sariling pamilya?” usisa ko.

“Meron na. Apat na rin ang anak ko. Panganay ko first year high school na. Minsan, pag hinahatid ko sa eskwela ang anak kong iyon, sabi ko sa sarili na, ‘Ganitong edad ko nang natuto akong kumayod para sa sarili.’ Ang swerte ng mga anak ko. Salamat sa Diyos. Si Ate Helen mo, ang aking magandang asawa, ay nasa mall ngayon. Siya ang nagpapatakbo ng negosyo namin doon.”

Naputol bigla ang usapan namin nang marating namin ang simbahan.

“Dito ka na lang ba talaga?” tanong sa akin ng Kuya Cesar.

“Opo. Maraming salamat po” masayang sagot ko sa kanya.

“Dalhin mo na ito.” sabi niya. Iniabot sa akin ni Kuya Cesar ang isang supot ng pandesal na mainit-init pa.

“Naku. Salamat po sa mga ito. Paborito ko po ito,” pabilib kong sinabi kay Kuya Cesar.

Bitbit ko ang mga pansedal. Pumasok ako sa simbahan na puno ng pagkamangha sa aking narinig na tagumpay. Nakangiti kong sinilip ang mga pandesal. Nagbuntong hininga. Nagdasal at biro ko sa Panginoon, “Panginoon maraming salamat po… Kung lalabas ako ng semenaryo, mag nenegosyo ako. Negosyong Pandesal…”

Napangiti ako.

- Jun-G Bargayo, SJ -

Subscribe to Comments

23 Responses to “NEGOSYONG PANDESAL”

  1. pandesal and simbahan.. galing!!! :) same blog topic huh kuya! hehehe http://mercygrass.com

     

    Sky

  2. i don’t know if my first comment got in.. my browser is kinda weird lately.. haha anyway, loved ur entry… dahil sa pandesal.. which is kinda nice kasi i have a pandesal blog too!.. timing nga kuya.. hahaha :)
    http://mercygrass.com

    jun-g: oo nga ano kaya ang meron sa pandesal today… hehehe…

     

    Sky

  3. wow! ang sarap ng pandesal, hehehe..

    ang buhay nga naman, parang gulong… nasa tyaga, pagsusumikap at pananalig talga ang pag asenso.. kelan po kayo nauwi sa inyo?

    jun-g: yuyup!!! sarap ng pansedal… hehehe

    last Christmas po ako nakauwi… sa kapisanan… every after a stage of formation ka makakauwi… ang susunod kong uwi ay sa disyembre 2010…

     

    Jorge

  4. haha bakit hindi!! nasa lahi nyu pala ang negosyante! pero wag lang lalabas!! wag na wag! mas masarap itaas ang tinapay ni Big Bro ng nasa Altar! kaysa sa pandesal!

    ang ganda naman nung kwento! inspiring sya! makikita mo na yung pagsisikap talagang nagbubunga ng maganda at pagpapala.. at kita ko rin na masayahin si kiya cesar nagrereflect sa mga sagot nya at kung paano nya ikwento ang mga pinagdaanan nya!

    jun-g: masiyahin talaga si Kuya Cesar… ganda ng disposisyon nya sa buhay. kakabilib.

    tama ka! “mas masarap itaas ang tinapay ni Big Bro ng nasa Altar! kaysa sa pandesal!”

    salamat sa paalala…

     

    bonistation

  5. “Panginoon maraming salamat po… Kung lalabas ako ng semenaryo, mag nenegosyo ako. Negosyong Pandesal…”

    naku!naku! huwag naman po…
    sosyo nalang tayo.hahaha..para ako na magmamanage. hwag ka lang lalabas..

    jun-g: hahaha… sige ba… sosyo tayo… hahaha…

     

    melina

  6. wow! inspiring story… thanks for sharing brother.
    ako din, may kwentong pandesal. siguro, may mga kwentong pandesal talaga tayo … kagaya din ng nakararaming Pilipino.

    tanong ko lang: ano sa English ang ‘pandesal’?
    baka alam mo/nyo…

    jun-g: sabi ni bro sherwin, ang english daw ng pandesal ay bread of salt…

    tama ba si bro sherwin?!

     

    Bryan Arevalo, SJ

  7. from spanish word “pan” which means bread and “sal”
    meaning salt..
    tsktsk!…problemang pandesal ito…)

    jun-g: grabe may etymology pa… hehehe… okie ah…

     

    melina

  8. Tama, pandesal = bread of salt… NVM Gonzales has a similar story, although it’s about a boy who plays in a band…. :)

    Very nice story kapatid… Thanks for sharing… No need to rationalize, the story says it all… :)

    jun-g: aus to ah… “pandesal = bread of salt” thanks cool!

    thanks also for appreciating the story…

     

    coolwaterworks

  9. ang ganda na sana ng kuwento.. pero ang ending… “.. kung aalis ako ng seminaryo..”.. ano ba!!!???
    haha

    jun-g: wag kang mag-alala… sasabihan kita kung aalis ako… hahaha… ano ba!!!??? ;-)

     

    bambi

  10. Basta kung san ka masaya, suportahan kita :)

     

    renee

  11. Actually, i just want to add, we all share a common priesthood- mapa clergy man, lay, married, religious, we all have equal dignity. We are all called to love and to serve. God only wants us to live our lives to the full (john 10:10). Kaya nga i can say, kung saan ka lubos na sasaya, sige, dun ka. :-)

    jun-g: parang advertisement ito ah… hehehe… salamat po sa suporta… hehehe…

     

    renee

  12. Very inspiring story…pagnilay-nilayan ko ulit ang simbolismo ng pandesal…

    jun-g: wow! ang lalim mo talaga dFish…

     

    dFish

  13. ahhh…

    may bago akong nalaman tungkol sa pandesal;
    tinatawag din pala itong “poor man’s bread”

    grabeh naman…

    pang-mahirap lang ba talaga ang pandesal?

    ano say mo (nyo) dito ?

    jun-g: grabe pala ang symbolismo ng pandesal… ngayon ko lang narealize… hehehe… tama ka dFish… hehehe…

    salamat dito bro. bryan.

    naku… hindi na po pangmahirap lang ang pandesal… amusing dito sa pinas! may pandesal na na pang mayaman… pang mayaman din ang presyo… hehehe… you know what i mean… tsk tsk tsk… hehehe…

     

    Bryan Arevalo, SJ

  14. thank you for the inspiration. got one post from this…

    jun-g: no probz! salamat din…

     

    dFish

  15. 5th base ka this sept. 23: 20 points..

    http://fielsvd.wordpress.com/base-contest/

    jun-g: oo nga… sayang… minuto lang… first base sana ako… hehehe…

     

    Fr. Felmar Castrodes Fiel, svd

  16. pabili! :p

    waw. ang galing. mahilig din po ako sa pandesal :p
    ngayon ko lang po nalaman na seminarista kayo (tama po?? hehe), kala ko po pari na kayo.. hihi..

    tama po sila, wag na po kayong lumabas. hehe.

    jun-g: opo. seminarista po ako… hindi pa pari… at hindi pa po ako lalabas… hehehe…

     

    tsenn'

  17. Jun-j, penge ng pandesal, masarap yan kapartner ng mainit nudels. Kamusta sa inyo kapatid. God bless.

    jun-g: oo nga masarap ito sa mainit na nudels… lalo na sa mga panahong umuulan… hehehe…

    kelan tayo magkikita-kita?

     

    Honeybrisketbabyfat

  18. wow napaka ganda naman ng naging kapalaran ni kuya cesar mo, isang patunay na walang imposible sa mga taong may determinasyon at pangarap sa buhay…

    ikumusta mo na lang ako sa kanya fr…

    dapat naman talagang tularan ang mga taong umunlad dahil sa sipag at tyaga… kaya sana sa 2010 kasihan ng panginoon ang mga taong nabuhay sa SIPAG AT TYAGA… (paid for by friends of manny)

    jun-g: ganun?! naisingit ang pangungumpanya… hehehe…

    totoo po… walang imposible sa taong may sipag at tiyaga!

     

    livingstain

  19. taking the plunge! :-) doubts could have power to resistance but trust is doubt’s downfall.

    jun-g: thanks for this profound thought kris… salamat din sa pagbisita dito…

     

    kris

  20. [...] Jump to Comments I am inspired to write this musing after reading Brother Jun-G’s entry Negosyong Pandesal. To make sense of this post, I encourage you to read first Negosyong [...]

    jun-g: salamat dFish for this… Mabuhay ang mga katulad ni Kuya Cesar!

     

    The Pandesal Seller « DesertFishing…

  21. Pandesal symbolism?

    What about… “the Bread of life”

    jun-g: pwede… pwede… naalala ko tuloy pilgrimage namin ni Bro Harvey… the pandesal of Julies Bakeshop sustained us and gave us strength… “bread of life” nga!

     

    darbs

  22. Kung magbibigay ako ng mga bagay at pagkain na magpapaalala sa aking kamusmusan, isa dito ang pandesal. Lagi akong bumibili nito tuwing umaga, isasawsaw ko sa milo drink. Yun na ang magiging agahan ko. Nung nagkabike na ako, lagi na akong nagbi bike para bumili ng pandesal kahit malapit lang sa amin ang tindahan nito. Gumising ako ng 6:00 am para bumili ng pandesal.

    Lagi akong busog kahit ito lang ang kainin ko. At lagi akong natutuwa kapag sinasawsaw ito sa chocolate drink.

    Isa lang ang natutunan ko. Kailangan gumising ng maaga para hindi maubusan ng pandesal. Pwede akong magising ng 10:00 am. Mayroon akong 14 hours pa para ipagpatuloy ang araw ko, pero may mga bagay na nauubos. Pwedeng wala ng pandesal sa tindahan na lagi kong binibilhan kapag tumuntong ang 10:00 am.

    That is time. It’s probably as high as sky. Sky is the limit as they say. Although it is finite, it has an expiration and there are things we need to do while we are at the peak of our life.

    Parang wala namang kinalaman yung mga sinabi ko sa post. Yawts.

    jun-g: galing ah! at nakita mo ang angulong yun… na ubos na ang pandesal pag gumising ka ng late na… kung sasabihin nila na “pano kung may mag-iiwan o bibili ng pandesal para sa iyo, eh kahit gumising ka ng late may pandesal ka pa rin…” ang masasabi ko dyan… masarap ang pandesal kung mainit itong kinakain… hehehe…

    at ito ha… “That is time. It’s probably as high as sky. Sky is the limit as they say. Although it is finite, it has an expiration and there are things we need to do while we are at the peak of our life.”… panalo!

     

    Ax

  23. Haha. Ganito na lang po, mas masarap kainin ang pandesal kapag ako ang bumili! Yawts

     

    Ax

Leave a Reply

Message: