Next Post Previous Post

28 Sep 2009

TATAK PILIPINO

Posted by junjeesj

Bagyong Ondoy… masamang balita. nakakalungkot. nakakapanghina.

Ateneo Task Force Ondoy… magandang balita. makinig. tingnan. pansinin.

nasalanta man ng bagyo… bagyo din ang dumating at dumarating na tulong mula sa mga kababayan ko.

hagupit ng bagyo, di magandang tanawin… ngunit, sulyap ko ang napakagandang tanawin ng pagkakaisa ng mga kababayan ko.

…walang tigil ang pagdagsa ng mga gustong tumulong… walang tigil ang pagdating ng mga tulong: pagkain, inumin, damit at pera… walang tigil din ang pagdala ng mga ito sa mga biktima ng bagyo…

di ko man naranasan ang iyak ng nawalan… pero naiyak din ako sa bawat tanaw ko ng mga tagaktak ng pawis ng mga libo-libong estudyante na walang batid ang pagod, mapadalhan lang ang mga libo-libong naghihikahos.

salamat o Diyos… salamat.

mamaya… bukas… sa susunod… masasaksihan ko naman ang bagyong magbibigay ng hindi hapis… kundi kagalakan sa puso.

pagkakaisa. pagtutulungan. pagmamahalan.

ito ay tatak PILIPINO.

- Jun-G Bargayo, SJ -

*****
Relief Operations
Relief Operations are ongoing and will continue for the following days. The Ateneo is accepting donations, both in kind or in cash/check. The center of relief operations is the Ateneo College Covered Courts. Most needed are ready-to-eat food, canned goods, drinking water, clothes, mats, and blankets. Those who wish to donate or volunteer for Ateneo Task Force Ondoy are welcome to go to the College Covered Courts, where they will be directed, assisted, and briefed.

For cash donations, direct deposits can be made to:

SIMBAHANG LINGKOD NG BAYAN (Account Name/Payee)
Bank of the Philippine Islands (Loyola-Katipunan Branch)
BPI Peso Checking Account Number: 3081-111-61
BPI Dollar Savings Account Number: 3084-0420-12

Checks may be addressed to Simbahang Lingkod Bayan as well. For G-CASH users, you may send your donations by typing:

DONATE_<Amount>_<4-digit pin>_SLB and send to 2992

Operations start at 6AM daily, and deployment to the areas start at 1PM. Volunteers are welcome to help by signing up for three-hour shifts each, starting at 6AM ending at 12AM. For easier monitoring, people are highly encouraged to come at the start of the three-hour intervals. For volunteers, please wear comfortable working clothes. Bring umbrellas, jackets, extra shirts, and water. Please wear blue.
Missing/evacuated persons
We are also consolidating a list of missing people and evacuation centers around Metro Manila. Please visit and update http://ateneotaskforceondoy.misa.org.ph.

If you know people who are missing or who are at evacuation centers, please add their names and contact information at the website. The site is currently still down, but please check back in an hour or so. We are still finishing uploading files into the site.

For inquiries, please contact the following:

Sanggunian:
Gio Tingson at 0917/880-7427 or Kacci Morales at 0927/981-8811

Office for Social Concern and Involvement, Loyola Schools:
4266001 loc.5090 or 4261017

Personnel Office:
4266001 local 4128 (Cora)

Subscribe to Comments

13 Responses to “TATAK PILIPINO”

  1. yan ang tatak pinoy…maasahan, kumakalinga at handang magsilbi…

     

    bluguy

  2. jan mo naman makikita ang pagiging matulungin ng mga Filipino, kaya naman hindi ako nawawalan ng pag asa na sa kabila ng lahat ay uunlad pa rin ang Pilipinas…

    God kailangan ka namen…

     

    livingstain

  3. kung sino po malapit sa Boni Mandaluyong, you can contact us for your donations, para di na po kayo mapalayo. God bless us all.

    Gie Almaquer/09064154976
    Frank Macatangay/09062866562
    Melina Noble/09273067722
    Jojo Lucas/09084317054
    Lala Oabel/09223423659

     

    melina

  4. Definitely we can help in our small ways,. D2 maki2ta ang bAYaniHAn ng pin0y.

     

    Walongbote

  5. [...] hear it from the “Passionista” with his post “Tatak Pilipino”. This is so in-rhythm with my being a proud Pinoy. Now [...]

     
  6. Hi Fr. Jun-G! You’ve been chosen as my September blog winner for “Glorious Wednesdays” ! Check my blog for your prize.

    Thank you!

    Here: http://romzkeepomski.wordpress.com/2009/09/30/glorious-wednesdays-tatak-pilipino/

     

    romela de leon

  7. Nakakalungkot ang sinapit ng ating kababayan sa mga apektadong lugar ng bagyong ondoy. pero nakakataba ng puso ang suporta na pinapakita ng bawat pilipino sa pagdamay sa mga taong kinapos palad.

    MAbuhay ang PILIPINO at naway manatili ang TATAK PINOY!

     

    topexpress

  8. FYI! dis october po kami yung incharge sa pagpresent ng vision and mission of our company.
    paalam po ako na gmitin itong “tatak pilipino” for our slide. thanks po in advance.

     

    melina

  9. paulit ulit ako nagkwe kwento sa mga kablog ko ng parehong istorya.. at nakaririnig din ako ng parehong istorya mula sa kanila.

    nakakalungkot talaga ang mga nangyari. sa totoo lang, wala akong kamalay malay na may bagyo. nagulat na lang ako.. grave yard shift kase ako ng mga panahon na yan.. as usual, natulog ako ng umaga at nagising ng tanghali.. ayun, nag internet pa ako pero ang kuya ko at ang mama ko pala ay nandun na sa labas at gumugawa ng paraan dahil binaha na ang mga boarders namin..

    tumulong na rin ako.. papasok ako sa isa naming boarding house pero sinigawan nila ako.. akala siguro magnanakaw ako, pero hindi.. sumigaw sila dahil electrocuted na ang tubig baha sa loob ng bahay.. biruin mo yun, pero nakatapak na ako sa tubig. nakalubog na ang tuhod ko.. buti na lang yung kapitbahay namin, tinanggal na ang positive at negative wire.. ayun.. buhay pa ang akso.

    ibang officemates ko nga hindi pa pumapasok.. nalaman ko rin na maraming namatay na bata dahil sa electrocution. hindi kase napatay ng meralco kaagad ang kuryente.

    nagbrownout din sa amin.. hindi ko talaga alam na may ganyan ng mga malulubhangng pangyayari na nagaganap. nung nagka kuryente, dun ko lang nalaman ang nangyari sa pasig, marikina at sa ibang lugar.. okay pa pala dito sa area namin.. umapaw kase yung ilog malapit sa area namin kaya ayun..

    that is 100-year storm. minsan kada isandaang taon lang nangyayari.. and it happened at our time. at our friends. at the 2009th year of the Philippines.

    ganun talaga.

    pagkakataon.

     

    Ax

  10. salamat kay ondoy at nauso ulit ang bayanihan. malas lang kinailangan pa ng isang mapamuksang bagyo para mauso ulit ang tradisyon noong sinaunang panahon. buhay nga naman.

    ingat po tayo lagi bro. jun-g :)

     

    tsenn'

  11. salamat kapatid sa pagbabahagi …
    i’m proud to be pinoy!

     

    Bro. Yano, SJ

  12. hala bakit ako late?!

    anyway, i feel sad about what happened pero at the same time masaya na din kasi nakikita ko ang pagkakaisa ng mga pilipino. pansin din ito ng mga ibang lahi, kaya willing din silang tumulong.
    sabi nga nila, nde tayo ganun kayaman pero mayaman tayo sa tulong na binabahagi.. humahanga sila sa atin, nakakatuwa..

    Godbless your good deeds!

     

    Jorge

  13. galing ng pinoy lging maa2sahan..

     

    rm

Leave a Reply

Message: