k’wentong PASSIONista
Istorya ng pag-ibig na nakakaantig,
Salaysay ng pangingilatis na ang maaring dulot nito’y pagkamangha o pagkainis,
Sanaysay ng pagtataya makamtan lamang ang buhay na lubos lubusan ang saya.
May k’wento ka bang tulad nito?
Isulat n’yo naman ang mga k’wento nyo para mabasa ng buong mundo,
English man ito o Filipino.
********************************************************************
Sisimulan ko sa kwento ko noong Ika-14 ng Pebrero…
Sa tabing-ilog ako nakaupo noon. Ika-14 ng Pebrero, 2004. Sabado. Tila mga nangingiliting kamay ang himig ng pag-ibig sa hangin. Hindi ako mapakali. Parang matatawa na hindi. Kahit saan ako bumaling, pares-pares ang aking nakikita. Kung hindi magkahawak ang kamay, sila ay magkaakbay. Kung hindi magkaharap na nag-uusap, sila ay magkayakap. Nakakainis. Nakakainis dahil kusang sumasayaw ang puso ko sa indak ng mga tugtuging pag-ibig. Nakakainggit. Nakakainggit kasi nais ko rin sana ang may katabi, may kahawak-kamay, may kayakap. Pero, ako’y nag-iisa, walang kasama.
“Sakay na po kayo sa bangka. Isang daang piso lang ang isang oras,” alok ng mama na nakapwesto sa aking harap.
Ewan ko ba. Nasalamangka ata ako ng mama. Agad kong dinukot ang aking pitaka. Kumuha ng isang daang piso at iniabot sa kanya.
“Sir, wala po ba kayong kasama?” sabi ng mama.
Hindi ko na siya sinagot. Sumakay na lang ako at nagsagwan. Dahan-dahan na akong lumalayo sa tabing-ilog.
Sagwan nang sagwan. Unti-unting humihina ang mga himig na nagmumula sa tabing-ilog at unti-unting lumalakas ang tunog ng orkestrang binubuo ng mga malaplawtang ihip ng hangin at ng mga malabiyoling paghagod ng sagwan sa ilog. Kasabay ng orkestrang ito ang musikang nagmumula sa mala-korong awit ng aking hininga at pintig ng puso. Nagbago na rin ang tanawin. Hindi na ang mga pares-pares kundi ang mga punong tila sumasayaw sa kumpas ng musikang aking naririnig. Ganap na sana ang paligid para sa isang tipanan. Ngunit may kulang. Wala akong katipan.
Noo’y sampung buwan na kaming magkahiwalay ng aking sinisinta. Hindi kami nagkahiwalay dahil sa nagka-ayawan o nawalan ng pagmamahal sa isa’t isa. Nagkataon lang na may nanligaw sa akin at ako nama’y nagpaligaw. Naalala ko ang mga panahong puno ng paalamanan at iyakan. Hindi ko maikaila na mahal na mahal ko ang aking sinta at siya na ang gusto kong pakasalan. Ngunit pareho kaming walang magawa kundi ang ipaubaya ang aming pagsinta sa mismong tadhana.
Patuloy pa rin ang aking pagsagwan nang dahan-dahang dumaloy ang mga dalisay na luhang bumubulong ng mga katanungang hanggang sa mga panahong iyon ay wala pa ring kasagutan. Bakit ako nagpaligaw? Bakit ko hinayaang nakawin ang aking pagmamahal sa aking giliw? Bakit ba ako umibig sa wala man lamang bagay na pwede kong panghawakan?
Kinapa ko ang aking damdamin. Ako ba’y may galit o pagsisisi? Pero wala. Nakapagtataka. Ang mga katanungan ko’y katanungan ng isang tunay na nagmamahal. Kahit walang kasagutan, ayos lang. Pakiwari ko, ako’y umiibig na. Isinisigaw ng puso ko na ako’y umiibig ngunit hindi pa alam ng isip ko kung kanino. Napaibig na yata ako ng aking manliligaw.
Natigil na ang aking pagsagwan. Nasa gitna ako ng katubigan, iyak nang iyak. Sabi ko, “Sinasagot na kita.” Iyak pa rin ako nang iyak. Wala akong masabi, iyak pa rin ako nang iyak.
Sa kaila-ilaliman ng aking puso, narinig kong nagmula ang kanyang mga salita, “Minamahal kita. Asahan mo ang katapatan ko. Magtiwala ka. Hinding hindi kita pababayaan.”
Sumagot ang isip ko, “Hindi ko alam kung paano. Wala akong alam kung saan. Hindi pa ako handa sa buhay na alok mo. Pwede bang humingi ng dalawang taong palugit?”
“Akong bahala. Hihintayin kita,” alo niya.
Katahimikan.
Mag-iisang oras na. Nagsimula akong magsagwan pabalik ng pampang. Ako’y nagkaroon ng panibagong sigla. Gusto ko nang makarating agad sa tabing-ilog para mang-inis at mang-inggit sa lahat nang aking makikita. Puso ko’y puno ng saya. Ako’y may bago nang sinisinta.
Ngayon ay ika-14 ng Pebrero, 2006. Martes. Salamat at tapos na ang aking mga kailangang ipasa para sa aking application sa nobisyado sa Kapisanan ni Hesus. Natapos ko na rin ang mga examinations at interviews. Hihintayin ko na lang ang resulta kung matatanggap ako sa nobisyado o hindi.
Sa isang sulok ng Manresa, isang munting darasalan, nakaupo ako at nakatitig lamang sa kanya. Dalawang taon na nga pala.
Katahimikan.
Alam mong gustung-gusto kong magkapamilya. Nais kong mag-asawa. Magkaroon ng maraming anak. Bumuo ng isang maganda at masayang pamilya. Ngunit, ikaw na ang nagmamay-ari ng aking puso. Nabago na ang isipan ko nang labis mong pagmamahal sa akin. Gustung-gusto kitang sa tuwina’y kapiling. Nais kong maging tahanan ang pagsisilbi sa iyo. Magkaroon ng ganap na kapayapaan na nagmumula sa pag-ibig mo.
Pansin kong hindi na nagtatanong ang aking isip. Ramdam at alam ko na na ako’y matagal na ngang umiibig. Malaya ko nang masambit ang mga kataga ng pag-ibig. Hawak-hawak ko na ang natatanging pag-asang nagbibigay sa akin ng lakas at tapang.
Sa ika-25 ng Marso malalaman ko na. Maaring matanggap ako sa Kapisanan ni Hesus. Maaring hindi rin. Kung matatanggap ako, talagang dito ako tinatawag. Kung hindi naman ako matatanggap, hindi ko na mababalikan ang lahat ng aking iniwan. Ikakasal na ang aking dating sinisinta. Hindi ko na mababawi ang aking dating trabaho. Ano man ang maging pasya ay tatangis ako. Ngunit batid ko na magmumula sa pusong puno ng tiwala at pag-asa ang bawat patak ng aking luha. Naniniwala akong dadalhin ako ng Panginoon sa kanyang mithiin kung saan ko rin matatagpuan ang aking lubus-lubusang kasiyahan.
Handa na ako. Ang puso ko’t isipa’y handa na sa kahit ano mang maging tadhana.
Ang tangi kong bulong sa Kanya, “Naghihintay ako. Ikaw na ang bahala.”
- Jun-G Bargayo, SJ -


kuya jun-g! thanks for linking the Intl Missions website in ur blog..
visit my site too http://mercygrass.com
godbless!!!
ps. like ur site..
you’re welcome sky!
sky
July 25th, 2009 at 8:18 pmpermalink
visit me http://rebornrose18.multiply.com
I wrote this blog last January 31. That time, my conviction was there is grace in uncertainty. Even if I was experiencing doubts, restlessness and anxiety, my hope and my prayer was that there is a grace in the uncertainty of the situation. Now, almost 6 months after, the experience of being in a dark, narrow tunnel has been replaced by a feeling of having come out of that tunnel already. Things now are more certain. It was not simple, it was not easy but it is now with certainty. I just want to make a post script so as to remind myself that I should not avoid the waiting time nor get anxious to fast-forward the time. Time is essential in sowing the grace in uncertainty.
There comes a point when the future with the one we love is uncertain. When one asks for some space, some time-off. We are not sure how this will end. We are uncertain of what will happen after this, would we still be back on each other’s arms or totally go our separate ways? Well, we hope it changes…sure we hope that after the time-off the one we love would emerge more sure, more convinced, more certain of what they want, what they like, what they love, and what will truly make them happy. It could be in our company, it could be the relationship, or it could be something or someone else. But in all these, we can only pray that our beloved would emerge more certain than ever. Likewise, as we wait and pray for them, we also pray that after this waiting, we will also be more certain, more sure that it is them whom we love, with whom we want to spend the rest of our lives, with whom we want to start a family. We should pray for certainty as well, that it is with them that we will be happiest. Or if not, at least we can still be certain that we will be happier pursuing another person, pursuing another love, pursuing another desire.
There is grace in uncertainty, when we both do not know what is ahead of us, when we ask ourselves, “will they be there? will we be in theirs? Or will it be someone else?” But for someone who loves, what we truly want is to see our beloved happy. Although it would be difficult, we sometimes opt to wait for them just a little longer. Our trust is in God that something good will come out of the ordeal we are facing. More than easing our own pain, we pray that our beloved would feel better somehow. It may be difficult to ask, but we desire that they would find that which will make them happy. We may give up on waiting for them to come out of their “caves”. But then, the uncertainty is what we both need to be certain, to purify our own desires, to be sure that it is each other who will make each other happy. So in times of uncertainty, instead of being discouraged or disheartened, let us see beyond it. Let us see the grace it would bring.
thanks for this renee… hope people can read your stories and be inspired. great entries on her blogsite… visit her!
renee
July 27th, 2009 at 9:43 ampermalink
one of my maLIBOG moments
I daydreamed about being a teacher, why? probably because my beautiful mom is a teacher and I am a bit frustrated that I did not pursue her dream to be a medical doctor and maybe following her footsteps as a teacher will make her feel better. Plus two of my good friends have told me I could be a good teacher that is if I wanted to be one. So my daydream goes like this…
I am a history teacher, of all the subjects why history? It’s my worst subject, I can’t seem to remember significant dates and names. Maybe as a teacher I could help others remember things. How? by asking my students the best way they remember things? How will I remember? I have to at least imagine it or see it or touch it. For some they have to sing it or act it out, others may want to draw it. I figured I would teach for the first 2 months of the school year integrated with trips to significant places and the rest of the topics will be distributed among my students and the best way they will remember that part of history, be it through a song, a dance, a play or an art piece.
But more than help them remember the dates and people, I would like them to realize the role of people in this universe throughout history. How our actions affect the environment and how one person can influence the world.
http://www.cfcinternationalmissions.com
dianacajilog@yahoo.com
history? i remember my high school years… hehehe… i don’t know if i learn something because now, i cannot recall anything that i memorized: names, places, etc… but, you’re right! it is important to realize that our actions affect the environment and influence the world. hindi kailangan maging demure para hindi makabasag ng baso, kailangan ata ang marunong magmahal at may respeto sa kapwa at sa kalikasan para laging may libreng malinis na tubig ang baso…
yana
July 27th, 2009 at 3:20 pmpermalink
kuya jun-g!
Nag-eenjoy ako sa site mo swearr! Hehe
tenksyu!
Laurie Purificacion
July 29th, 2009 at 10:52 ampermalink
cool…how to create a website?
salamat sa pagbisita! click mo lang Worpress links ko sa gilid… tas pag meron ka nang account… post mo dito… hehehe
gareth
July 29th, 2009 at 11:40 pmpermalink
what a beautiful story.
i saw you sung during the silent retreat and i was impressed.
jun-g: talaga po? kelan po yun? umuulan po ba? hehehe…
cheri palma
September 4th, 2009 at 2:06 pmpermalink
…iba talaga manligaw c bro..nakakakilig…=)
jacq
November 17th, 2009 at 11:41 ampermalink